dzme1530.ph

Dalawang bus drivers sa PITX, nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga

Dalawang bus drivers ang nag-positibo sa iligal na droga sa isinagawang random drug test sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ang dalawa ay mula sa grupo ng 123 drivers na isinalang sa pagsusuri sa pinakamalaking bus terminal sa bansa, kahapon.

Ikinatwiran ng isa sa mga driver na naimpluwensyahan lamang siya ng kaniyang mga kaibigan na tumira ng ipinagbabawal na gamot, noong Linggo ng gabi.

Ayon kay PITX Corporate Affairs Head Jason Salvador, kinumpiska na ng Land Transportation Office ang driver’s license ng dalawang lalaki na kapwa isasailalim sa imbestigasyon.

About The Author