dzme1530.ph

DALAWANG ARAW NA NATIONWIDE TRANSPORT STRIKE, UMARANGKADA NA

Loading

Umarangkada na ang dalawang araw na nationwide strike ng koalisyon ng mga transport groups sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Lumahok sa transport strike ang mga drivers ng pampasaherong jeep, transport network vehicle services, motorcycle taxis, buses at UV Express.

 

Ayon sa PISTON, ramdam na ramdam na ng mga tsuper at ng kanilang pamilya ang krisis dahil sadyang lumiit ang naiuuwi nilang kita.

 

Bukod anila sa mga tsuper, ramdam din ng mga commuters ang krisis dahil wala na silang masakyan.

 

Sa Metro Manila, sinimulan kaninang alas-sais ng umaga ang protesta sa pamamagitan ng programa ng No To Oil Price Hike Coalition sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City.

 

Ipinanawagan ng grupo ang pagtatanggal na ng value added tax at excise tax sa petroleum products, magpatupad ng rollback sa presyo ng petrolyo sa 55 pesos per liter, at pagbagsura sa Oil Deregulation Law.

 

Hiling din ng mga transport groups na itaas ang pamasahe sa lahat ng uri ng transportasyon, ipatupad ang 1,200 pesos na family living wage, at nationalization ng oil industry.

About The Author