dzme1530.ph

Dalawampu’t anim na Pinoy, nakaalis na ng Israel sa pamamagitan ng voluntary repatriation

Loading

Dalawampu’t anim na Pilipino na tumanggap sa alok ng Philippine Embassy sa Israel na voluntary repatriation, ang pauwi na sa Pilipinas.

Sa social media post, inihayag ng embahada na nakaalis na sa Israel ang dalawampu’t anim na Pinoy sa pamamagitan ng voluntary repatriation program.

Ang mga Pinoy ay sinamahan sa Allenby Border Crossing ni Ambassador Aileen Mendiola at ng DMW-OWWA team upang matiyak ang matiwasay nilang pagtawid sa Israel patungong Jordan.

Idinagdag ng embassy na inayos nila ang transportation, transit visas, travel documents, at plane tickets ng mga uuwing Pinoy.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ang unang batch ng returnees ay nakatakdang dumating bukas ng umaga.

About The Author