Mabibili na sa Kadiwa centers ang dalawampung toneladang sariwang isda na mula West Philippine Sea.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Usec. Atty. Claire castro, na ipinadala ng pamahalaan ang MV Mamalakaya sa Bajo De Masinloc upang inisyal na bumuli ng sariwang huli ng isda ng mga mangingisdang pinoy bilang parte ng ‘Kadiwa ng Bagong Bayaning Mangingisda Program’.
Katuwang ng MV Mamamalakaya ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau Of Fisheries And Aquatic Resources (BFAR) sa naturang programa.
Bukod dyan, namigay rin ng subsidiya sa krudo at yelo ang BFAR at pcg bilang tulong sa mga lokal na mangingisda.
Iginiit din ni Castro na isa sa layunin ng KBBM program ay itaas ang dangal ng mga mangingisdang pinoy habang pinapangalagaan ang likas na yaman ng Pilipinas.