Dahilan ng mislabeled ballots sa ilang presinto, natukoy ng Comelec

dzme1530.ph

Dahilan ng mislabeled ballots sa ilang presinto, natukoy ng Comelec

9 views , 1

Natukoy na ng Commission on Elections ang dahilan ng ‘mislabeled’ o discrepancies sa bilang ng mga rehistradong botante, bumoto, at balidong balota sa ibat ibang lugar sa bansa.

Ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV, batay sa paliwanag ng Comelec, ang mga kamalian ay dahil sa hindi pagkakaunawaan o misunderstanding  batay sa bilang ng mga balidong balota.

Tinukoy ng Comelec na ang kabuuang bilang ng mga valid ballots ay ang mga balota na aktwal na ipinasok sa ballot box.

Habang ang total number of scanned ballots naman ay binubuo ng valid, rejected at returned na balota.

Dahil aniya may mga rejected ballots na makailang beses na pinasok sa automated counting machines, nadagdagan ang bilang ng actual voters.

Una nang kinuwestiyon ng PPCRV ang hindi tugmang resulta na naitala sa zamboanga at dumaguete city.

Inihalimbawa ng election watchdog ang isang presinto sa Dumaguete na mayroong 930 registered voters at 814 dito ang nakaboto ngunit nakapagtala ng 956 na boto.