dzme1530.ph

Dagdag subsidiya sa PhilHealth, haharangin sa Senado

Haharangin ni Senate Committee on Health Chairman Christopher Go ang hinihinging subsidiya ng PhilHealth para sa susunod na taon na umaabot sa ₱70-B.

Sinabi ni Go na mas makabubuti pang ilaan ang pondo sa mga pampublikkong ospital na direktang napapakinabangan ng mga indigent patients.

Ipinaalala ng senador na sa pagtatapos ng taon mayroon pang ₱500-B na reserve fund ang PhilHealth bukod pa sa idineklara nilang ₱89.9-B na excess funds.

Dahil dito, hindi na aniya dapat pang bigyan ng dagdag na subsidiya ang PhilHealth sa susunod na taon.

Kailangan din muna anyang patunayan ng PhilHealth na mas maayos na ang kanilang operasyon at healthcare benefits para sa mga Pinoy bago humingi ng dagdag na pondo.

Marami anyang natutulog na pondo sa PhilHealth habang maraming Pilipino ang naghihingalo dahil sa mga hindi kayang bayaran na hospital bills. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author