dzme1530.ph

Dagdag sahod sa mga empleyado ng gobyerno, isinusulong sa Senado

Isinusulong ni Sen. Jinggoy Estrada ang panukalang magmamandato sa pagtataas ng sahod ng 1.9 milyong kawani ng gobyerno.

Sa paghahain ng Senate Bill No. 2611 o Salary Standardization Law VI, sinabi ni Estrada na malaki ang papel na ginagampanan ng mga Civilian Employees sa gobyerno kaya’t dapat lang na sila ay mapangalagaan.

Alinsunod sa panukala, madadagdagan ng 10 hanggang 46 na porsyento ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno sa loob ng 4 na taon.

10 porsyento sa unang taon

11 porsyento sa ikalawang taon

12 porsyento sa ikatlong taon at

13 porsyento sa ika-apat na taon.

Sinabi ni Estrada na nagtapos na ang Salary Standardization Law V na ipinatupad ng nakaraang administrasyon kaya’t kailangan ng panibagong batas dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Saklaw ng panukala ang mga guro sa pampublikong paaralan, nurses, mga nasa local government units (LGUs) at mga barangay personnel.

Ngunit exempted dito ang mga military at uniformed personnel, mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng GOCC Governance Act of 2011 at mga job orders, contracts of service, at consultancy o service contracts.

About The Author