Welcome development para kay Senate Committee on Labor Chairman Joel Villanueva ang approval ng Regional Wage Boards sa Cagayan Valley, Central Luzon at SOCCSKARGEN ng dagdag sahod sa mga manggagawa.
Inaprubahan ng Regional Wage Board ang dagdag na ₱30 a minimum wage sa Cagayan valley; ₱50-66 sa Central Visayas; habang ₱27-48 naman ang pay increase sa SOCCSKARGEN.
Sinabi ni Villanueva na bagamat ipinagpapasalamat niya ang hakbang na ito ng mga regional wage boards, kailangan pa ring patuloy na suriin kung ang mga taas-sahod na ito ay tunay na nakatutugon sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya.
Bilang chairman aniya ng senate committee on labor, patuloy niyang isusulong ang pagtatakda ng living wage bilang isa sa mga criteria sa pagtukoy ng minimum wage na nakasaad sa kanyang Senate Bill 2140.
Iginiit ni Villanueva na mahalaga ito para matiyak na ang mga empleyado at kanilang mga pamilya ay magkakaroon ng access sa sapat na pagkain, pananamit, tirahan, edukasyon, at overall well-being. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News