Epektibo na simula Agosto a-2 ang dagdag-pasahe sa Light Rail Transit (LRT) line 1 at 2, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sa isang pahayag na inilabas ng ahensya sa isinagawang cabinet meeting noong Hunyo a-6, sinabi na aprubado na ang pagpapatupad ng taas-pasahe sa dalawang linya ng LRT sa naturang buwan.
Una nang inaprubahan ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng ahensya ang P2.29 increase sa boarding fee ng LRT 1 at 2, gayundin ang 21 centavos na dagdag sa kada kilometro, subalit ipinatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang implementasyon dahil sa economic impact o epekto sa mga komyuter.
Sa nasabing adjustments, aabot sa P13.29 mula sa P11.00 ang pasahe sa mga nasabing linya ng tren habang P1.21 mula sa P1.00 ang dagdag sa kada kilometro. —sa panulat ni Airiam Sancho