dzme1530.ph

Dagdag na parusa sa mga lokal na opisyal na ‘di susunod sa legal order, inirekomenda ng Senador

Inirekomenda ni Senador Chiz Escudero ang pagpapataw ng temporary o permanent disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno ng sinumang elected o appointed public official na tatangging sumunod sa executory legal suspension o removal order.

May kaugnayan ito sa imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order sa pagtanggi nina Bonifacio, Misamis Occidental Mayor Samson Dumanjug at Vice Mayor Evelyn Dumanjug na tumalima sa suspension order sa kanila dahil sa isyu ng katiwalian.

Sinabi ni Escudero na wala sanang naganap na kaguluhan kung sumunod agad ang mga lokal na opisyal sa suspension order sa halip na nagkampo sa munisipyo.

Binatikos din ni Escudero ang lokal na pulisya na dapat anyang agad na kumilos at ipinatupad ang suspension order at hindi na kinailangan pa ang approval ni PNP chief Benjamin Acorda Jr.

Maging si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ay aminado na naiwasan sana ang tensyon at karahasan kung sumunod ang mag-asawa sa suspension order na kinilala rin ng Department of the Interior and Local Government.

Gayunman hindi nito masisisi ang duly elected official kung sa tingin nito ay may legal na basehan para ipaglaban ang kanyang karapatan, tungkulin at responsibilidad

Una nang sinabi ni Misamis Occidental Governor Henry Oaminal na nakipag-ugnayan sila sa DILG para matiyak ang maayos na pagpapatupad ng suspension order.

May diplomatic effort pa anyang isinakatuparan ang DILG subalit hindi nagtagumpay dahil Rule of Man na ang nanaig sa pamamahala ng mga Dumanjug. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author