Inirekomenda ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pagdaragdag ng flight patungo sa Tawi-Tawi upang mapalakas ang turismo sa probinsya.
Sinabi ni Tolentino na maraming tao ang nais makapunta sa Tawi-tawi dahil nais nilang makita ang ganda ng lalawigan.
Kasabay nito, nanawagan si Tolentino sa publiko na ikunsidera ang Tawi-tawi bilang vacation destination partikular ang white sand beaches na maikukumpara sa Boracay Island.
Bukod dito, ipinagmamalaki rin ng lalawigan ang kanilang mayamang cultural heritage at napakaraming bountiful sea resources, at scenic spots.
Ang bawat isa aniya sa 11 munisipalidad ng Tawi-tawi ay may kakaibang mga karanasan para sa bawat turista.
Tiniyak din na ligtas at mapayapa ang lalawigan ng Tawi Tawi na kilala bilang Seaweeds Capital of the Philippines.