dzme1530.ph

Dagdag diskwento sa basic at prime commodities sa mga senior citizens ipektibo sa susunod na Linggo

Epektibo na sa susunod na linggo ang dagdag diskwento sa mga basic necessities at prime commodities para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWD).

Ayon kay Asst. Secretary Atty. Amanda Nograles ng DTI Consumer Protection Group, mula ₱65 per week ay magiging ₱125 na ito.

Ito ay para sa mga sardinas, gatas, at iba pang pangunahing bilihin.

Nilinaw ni Atty Nograles ipakita lamang ang Office nof the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) ID o kahit anong government-issued ID na mayroong date of birth o petsa ng kapanganakan.

Maari din naman iutos sa kaanak basta mayroong lamang authorization letter ng OSCA member at magpakita ng valid ID ang authorized representative.

Ayon pa kay Nograles, kailangan din maipakita sa grocery stores ang purchase booklet.

Samantala pirmado na ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at Department of Energy (DOE) ang joint administrative order sa mga senior citizens na nagsasaad sa dagdag discount sa ilang basic at prime commodities sa Lunes kapag naipublish na ito sa mga pahayagan ngayong Linggo.

About The Author