dzme1530.ph

Dagdag benipisyo para sa mga BHW, inihirit ni Rep. Reyes

Muli na namang umapela si AnaKalusugan Party-List Representative Ray Reyes para mabigyan ng dagdag benepisyo at kompensasyon ang mga barangay health worker (BHW).

Iginiit ng mambabatas na matagal nang isyu ang kapos na benepisyong nakukuha ng mga BHW kaya’t nararapat lamang na maipagkaloob na sa kanila ang karampatang suporta kapalit ng kanilang sakripisyo at serbisyo publiko.

Hirit ni Reyes, kailangan mapagtibay na ang Magna Carta for Barangay Health Workers na layuning makapagbigay ng accessible at dekalidad na medical assistance para mga ito.

Nabatid na sa ilalim din nito ay mapagkakalooban ang mga BHW ng hazard allowance, transportation allowance, subsistence allowance, one-time retirement cash incentive, health benefits, insurance coverage, at vacation at maternity leaves. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author