dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Abiso sa mga motorista!

Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa pagtaya ng ahensya, posibleng magpatupad ang mga oil company ng P0.30 hanggang P0.50 na rollback sa kada litro ng gasolina.

Habang tataas naman ng P0.30 hanggang P0.50 kada litro ang presyo ng diesel at kerosene.

Gayunman, posible pa ring magbago ang mga nasabing presyo base sa oil trading sa merkado.

Karaniwang ini-aanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes, at ipinatutupad naman sa kasunod na araw —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author