Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong unang Martes ng Abril.
₱0.45 ang idinagdag sa kada litro ng gasolina habang ₱0.60 naman ang tinapyas sa diesel.
Binawasan din ng ₱1.05 ang kada litro ng kerosene o gaas.
Samantala, may bawas-presyo rin sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong buwan ng Abril, matapos tumaas noong Marso.
₱1 kada kilo o ₱11 ang tinapyas sa kada 11-kilogram cylinder tank bunsod ng paggalaw ng international contract price ng LPG para sa kasalukuyang buwan.