dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Loading

Nakaamba ang dagdag-bawas sa presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng Department of Energy, posibleng walang paggalaw o may rollback na ₱0.10 sa presyo ng gasolina.

₱0.50 naman ang inaasahang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel, habang posible ring tumaas ng ₱0.30 ang presyo ng kerosene.

Isa sa mga itinuturong dahilan ng oil price adjustment ay ang hindi inaasahang pagbaba ng imbentaryo ng krudo sa Estados Unidos, na indikasyon ng matinding refinery activity.