dzme1530.ph

Dagdag allowance sa mga guro, napapanahon

Napapanahon na ang pagbibigay ng dagdag teaching supplies allowance upang makaagapay ang mga guro sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Grace Poe kasabay ng pagsasabing matagal na nilang ipinaglaban ang pagtataas ng allowance sa mga guro kaya’t nagpapasalamat sila sa paglagda sa Kabalikat sa Pagtuturo Act.

Sinabi ni Poe na kadalasan ang mga guro na mismo ang bumabalikat sa mga gastusin nila sa school supplies na gamit nila sa pagtuturo sa mga estudyante.

Binigyang-diin ni Poe na kung gusto natin ng 21st century na pagtuturo, hindi dapat out of date ang pagtulong sa mga guro.

Ipinaalala ng senador na pangunahing bahagi ng paaralan ang mga guro na humuhubog sa kabataan na siyang kinabukasan ng ating bayan.

About The Author