dzme1530.ph

DA, tiniyak na walang problema sa supply ng manok sa kabila ng planong import ban sa Brazil

Loading

Ginarantiyahan ng Department of Agriculture (DA) na walang magiging problema sa supply ng karne ng manok sa kabila ng plano na magpatupad ng import ban sa poultry products mula sa Brazil.

Ang napipintong country-wide ban ay inaasahan, matapos iulat ng Brazil – na pinakamalaking chicken exporter ng Pilipinas at buong mundo – ang kauna-unahang kaso ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) o Bird flu mula sa isang commercial farm sa Montenegro, sa Rio Grande Do Sul.

Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na tatlong bansa ang maaari namang magsilbing alternative sources kapag epektibo na ang ban.

Idinagdag ng Kalihim na wala siyang nakikitang problema, bagaman posible aniya na magkaroon ng bahagyang supply gap na isa o dalawang linggo dahil sa pagbabago sa pinanggalingan ng manok.

Gayunman, wala pa rin aniyang dapat ikabahala dahil medyo maganda ang produksyon ng local poultry industry.

About The Author