Sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) para sa importasyon ng alumahan at galunggong.
Layunin ng hakbang na bigyang-daan ang imbestigasyon ng ahensya hinggil sa umano’y maling paggamit ng import permits.
Binigyang-diin ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na ang misdeclaration ng fish products ay taliwas sa layunin ng DA na mapatatag ang suplay at mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga isda.
Idinagdag ng kalihim na dapat ay transparent at patas ang proseso ng pag-aangkat ng mga naturang essential commodities, hindi lamang upang maprotektahan ang mga mamimili, kundi para rin pangalagaan ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda at traders laban sa epekto ng ilegal na kalakalan.