Pananatilihin ng Department of Agriculture (DA) ang ₱43 maximum suggested retail price (MSRP) sa kada kilo ng imported na bigas, sa kabila ng ipatutupad na dalawang buwang ban sa pag-aangkat ng bigas simula sa Setyembre.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kasabay ng pagsasabing mahigpit nilang babantayan ang supply at market dynamics, lalo na sa retailers, wholesalers, at importers.
Nagbabala rin si Tiu Laurel na magpapatupad sila ng mga kaukulang aksyon upang mapagtibay ang disiplina sa merkado.
Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang implementasyon ng dalawang buwang import ban sa bigas upang ma-stabilize ang lokal na presyo ng palay at maprotektahan ang mga magsasaka mula sa murang imported na bigas.