Simula ngayong biyernes, ititigil muna ng Kadiwa Stores ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng mas murang sibuyas.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na naubos na ang supply para sa First cycle. Nagtapos na rin noong Disyembre 31, 2022 ang Memorandum of Agreement ng ahensya sa Food Terminal Inc. (FTI) na siyang supplier ng sibuyas.
Inihayag ni Evangelista na nakikipag-usap na ang ahensya sa FTI para sa Second cycle ng supply ng sibuyas na ibebenta sa mga Kadiwa Store.
Mabibili sa Kadiwa Stores ang pula at puting sibuyas sa halagang P 170 kada kilo kumpara sa P 600 hanggang P 700 kada kilo sa ilang mga palengke sa Metro Manila.
Idinagdag ni Evangelista na binabantayan ng DA ang Farmgate Price ng sibuyas, at batay sa natanggap nilang report ay bumaba na ito sa P 210 hanggang P 250 kada kilo.