Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang cloud seeding operations sa mga lugar na apektado ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel de Mesa, nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Soil and Water Management, maging mga concerned DA Regional Directors sa PAGASA, Office of Civil Defense at Philippine Air Force para sa naturang operasyon.
Sinabi ni de Mesa na cloud seeding ang kanilang last resort.
Idinagdag ng opisyal na nakapagsagawa na ng cloud seeding sa Quirino, Isabela, partikular sa Magat Watershed.
Mayroon na ring standby fund na inilaan sa Western Visayas para sa posibleng cloud seeding operations.