dzme1530.ph

DA, makikipagtulungan sa Brazil sa sugarcane at ethanol industry

Makikipagtulungan ang Department of Agriculture (DA) sa bansang Brazil sa pagpapaunlad ng sugarcane at ethanol industry sa bansa.

Ito ay kasunod ng pag-bisita sa Sao Paolo ng mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration.

Ayon sa DA, nag-alok ang Brazil ng academic programs sa sugarcane industry, at sa paggamit ng ethanol sa National Energy Grid.

Inirekomenda rin nito ang pagpapadala ng team of experts sa Pilipinas upang mamahagi ng kaalaman para sa pagpapalawak ng sugarcane plantations, pagtataguyod ng farm efficiency, pagpapalakas ng mill conversion, pagpapaganda ng production chains, at pagpapababa ng production costs.

Sinabi pa ng SRA Research Development and Extension Department na maaaring matuto ang Pilipinas sa kaalaman ng Brazil sa soil development and management, milling practices, at farm technologies, upang mapalakas ang lokal na produksyon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author