Inabisuhan na ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka na ilayo sa Mayon Volcano ang kanilang mga alagang hayop.
Ito ay sa harap ng tumaas na tyansa ng pagputok ng bulkan sa ilalim ng Alert Level 3.
Pinayuhan ng DA Regional Field Office V ang animal farmers na ilikas sa ligtas na lugar ang kanilang mga alaga.
Bukod dito, ipinasisiguro ring nasa ligtas na lugar ang kanilang mga makinarya at iba pang kagamitan.
Kaugnay dito, nag-pwesto na ang DA ng hauling trucks sa Tabaco City at Camalig sa Albay para sa paghahakot ng mga ililikas na hayop at farm machineries.
Inihahanda na rin ang pag-iimbentaryo sa populasyon ng livestock sa loob ng 6-kilometer danger zone ng bulkan. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News