dzme1530.ph

DA, inaming hindi vinalidate ang listahan ng mga dawit sa umano’y iligal na pagbebenta ng bigas ng NFA

Inamin ng Department of Agriculture (DA) na hindi nila vinalidate ang listahan ng respondents na isinumite sa Office of the Ombudsman, kaugnay ng kontrobersyal na pagbebenta ng buffer rice stocks ng National Food Authority (NFA), upang maiwasan ang pagdududa sa loob ng ahensya.

Sa statement, ipinaliwanag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang listahan ay galing sa NFA, at agad nila itong ipinadala sa Ombudsman, sa paniniwalang ito ay up-to-date.

Idinagdag ni Laurel na wala na silang pagkakataon na i-audit pa ang listahan dahil sa urgency ng request at kung nag-verify pa sila ay posibleng lumikha lamang ito ng pagdududa, dahil nagsasagawa rin sila ng sarili nilang imbestigasyon.

Una nang isinailalim sa preventive suspension ang 139 officials and employees ng NFA, subalit noong Biyernes ay binawi ni Ombudsman Samuel Martires ang suspensyon sa dalawampu’t tatlong empleyado, base sa rekomendasyon ng mga imbestigador.

About The Author