dzme1530.ph

DA, importasyon ng sibuyas hanggang Enero 27 lamang

Binigyan lamang ng Department of Agriculture (DA) ng hanggang Enero 27, ang mga Licensed Importers ng sibuyas upang makumpleto ang kanilang shipment sa bansa.

Kung hindi tatalima sa deadline ay ikukunsidera ng invalid ang importation at ibabalik sa pinanggalingang bansa ang kargamento.

Pinayagan ng ahensya ang pag-iimport ng 21,060 metric tons ng pula at dilaw na sibuyas sa gitna ng pagtaas ng presyo sa merkado.

Sa ilalim ng strict monitoring, ang shipments ng Imported onion ay maaari lamang gawin sa mga pantalan ng Port of Manila-South Harbor, Subic, Cebu, Davao at Cagayan De Oro.

Ipinaalala rin ng ahensya na dapat mayroong Sanitary at Phytosanitary Clearances sa bansang panggagalingan ang mga kargamento bago payagang makapasok sa Pilipinas.

Pagdating naman sa cold storage facilities, hindi papayagang maihalo ang imported onions sa mga sariwang sibuyas.

About The Author