dzme1530.ph

DA ilulunsad ang masterlist para sa ₱20-per-kilo rice program

Loading

Ilulunsad ng Department of Agriculture (DA) ang bagong registry system para mas mapadali ang pagtukoy at pagsubaybay sa mga benepisyaryo ng ₱20-per-kilo rice program ng pamahalaan.

Ang sistema ay magbibigay ng centralized at updated na masterlist ng mga benepisyaryo sa ilalim ng “P20 Benteng Bigas Meron (BBM)” program upang mas maging maayos ang pagproseso ng suporta at masiguro na makatatanggap ng tamang tulong ang mga rice farmer at target na sektor.

Nagsimula ang programa sa labing-tatlong probinsya ngayong taon at pinalawak na sa lahat ng walumpu’t isang probinsya sa buong bansa.

Saklaw ng programa ang senior citizens, solo parents, persons with disabilities, 4Ps beneficiaries, magsasaka, mangingisda, minimum wage earners, at transport workers.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpatuloy ang ₱20-rice initiative hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 2028, na layong maabot ang labinlimang milyong pamilyang Pilipino.