dzme1530.ph

DA, HIHIGPITAN ANG PAGBABANTAY SA PRESYO NG PAGKAIN SA GITNA NG BANTA NG INFLATION

Loading

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na may nakalatag na contingency measures, at pinaigting ang monitoring sa food prices sa gitna ng tumataas na inflation pressures dulot ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.

 

Ito’y matapos maitala sa bansa ang mas mabilis na food inflation noong Pebrero, na umakyat sa 1.6% mula sa 0.7% noong enero, batay sa pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

 

Gayunman, ang bahagyang pagtaas ay mas mabagal kumpara sa 2.6% na food inflation na nai-record sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

 

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na naghahanap ng mga paraan ang ahensya upang mapagaan ang epekto ng potential price shocks.

 

Tiniyak din ng kalihim na mahigpit na binabantayan ng mga otoridad ang mga pamilihan upang protektahan ang mga mamimili, lalo na ang mahihirap na pamilya. 

About The Author