dzme1530.ph

DA Director, umaasang hindi pa bibitawan ni PBBM ang pagiging DA Sec.!

Umaasa ang isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na hindi pa bibitawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagiging kalihim ng kagawaran.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni DA-Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban na maganda ang ginagawang trabaho ng Pangulo sa kagawaran.

Sa unang taon pa lamang umano ng kanyang pamumuno ay marami nang pangunahing produkto ang nai-export ng Pilipinas.

Matatandaang lumutang ang ulat na nakatakda na umanong i-appoint ng Pangulo ang negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang permanenteng DA secretary.

Sinabi naman ni Panganiban na sa ngayon ay wala pa siyang maku-kumpirma kung mayroon nang itatalagang kalihim ng DA. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author