Binigyang diin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pangangailangan na maibalik ang regulatory powers ng National Food Authority (NFA).
Sinabi ni Tiu Laurel na kailangang ibalik ang ilang kapangyarihan ng NFA upang epektibong mapangasiwaan ang sitwasyon ng bigas sa bansa.
Ang Agriculture chief ay nagsisilbi ring pinuno ng NFA Council na bumabalangkas ng mga polisiya.
Idinagdag ng Kalihim na sa bersyon ng Kamara sa Revised Rice Tariffication Law, mayroong tsansa na maibalik ang kapangyarihan ng NFA, subalit sa kasamaang palad aniya ay ibinasura ito ng Senate Committee on Agriculture.