dzme1530.ph

DA at South Korean cooperative, lumagda sa MOU para sa partnership sa agricultural machinery

Magsasanib-pwersa ang Department of Agriculture (DA) at Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative (KAMICO) sa pagtataguyod ng mechanization sa agrikultura, para sa pagpapalakas ng produksyon at pagtitiyak ng food security.

Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumatayo ring Agriculture Secretary ang paglagda ng DA at KAMICO sa Memorandum of Understanding para sa “Cooperative Partnership for Agricultural Machinery”.

Sa seremonya sa Malakanyang, binigyang diin ng pangulo ang kahalagahan ng paggamit ng mga makina sa agrikultura upang mapalakas ang produksyon ng bigas at iba pang pananim.

Sa ilalim ng MOU, itatatag ang local agricultural machinery manufacturing cluster kabilang ang assembly production line, research and development sa agricultural machinery technology, workforce training sa agricultural machinery technology, at pagbibigay ng official development assistance.

Maglalagak din ang KAMICO ng inisyal na $30-M para sa phase 1 ng proyekto, at ti-triplehin nila ang halaga sa ikalawang phase.

Ang KAMICO ay isang major player sa mechanization ng agriculture sector ng South Korea. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author