dzme1530.ph

D-A CHIEF, TINIYAK ANG STABLE NA PRESYO AT SUPPLY NG AGRICULTURAL PRODUCTS HANGGANG SA HUNYO O HULYO

Loading

Tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa publiko na mananatiling stable ang mga presyo sa bansa sa kabila ng tensyon sa Middle East.

 

Sinabi ni Tiu Laurel na ito ay dahil inaasahang magtatagal ang supplies ng agricultural products hanggang sa Hunyo o Hulyo.

 

Aniya, magkaroon man ng pagtaas ay kaunti lamang o at least 2 pesos per kilo dahil tumaas din ang transport cost.

 

Inihayag ng kalihim na may sapat na stocks ang bansa ng bigas, karneng baboy, mais, asukal, at iba pa.

 

Idinagdag ng agriculture chief na panahon din ng pagtatanim at pag-aani sa Pilipinas.

About The Author