Suportado ng Czech Republic ang Pilipinas sa harap ng sigalot sa West Philippine Sea (WPS).
Sa bilateral meeting kay Czech President Petr Pavel sa Prague Castle, tinalakay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pinaka-bagong development sa WPS at South China Sea, kabilang na ang paninindigan ng Pilipinas sa pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Kaugnay dito, nagpasalamat si Marcos sa Czech Republic bilang “like-minded partner” sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at rules-based international order.
Tiniyak naman ng pangulo ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga kapitbahay na bansa at stakeholders sa pamamagitan ng diplomasya at dayalogo, sa harap ng nagpapatuloy na mga agresibong aksyon at panghaharas sa South China Sea.
Matatandaang una nang nakuha ng Pangulo ang suporta ng Germany sa WPS issue sa gitna ng kanyang European trip.