dzme1530.ph

Czech Republic PM Petr Fiala, dumating na sa bansa

Dumating na sa Pilipinas si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala para sa tatlong araw na official visit.

Pasado alas-7:00 kagabi nang dumating si Fiala sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Sinalubong ito nina Defense Officer-In-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr., Philippine Ambassador to Czech Republic Eduardo Martin Meñez, at Czech Ambassador to the Philippines Jana Sediva.

Ngayong araw ay sasabak si Fiala sa bilateral meeting sa Malakanyang kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Inaasahang tatalakayin ng dalawa ang mga usapin kaugnay ng trade and investment, defense, ugnayan ng mga unibersidad, judicial at labor cooperation, at iba pang usapin. —-sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author