Mas pinaigting ng Philippine Army at Royal Thai Armies ang ugnayan sa cybersecurity sa pamamagitan ng tatlong araw na Cybersecurity Subject Matter Expert Exchange sa Philippine Army Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig City, noong August 19–21, 2025.
Ayon kay Phil. Army Assistant Chief of Staff for Command and Control Communications Col. Windell Frederick Rebong, itinampok sa aktibidad ang formal briefings, interactive workshops, at scenario-based exercises.
Layunin nito na mas mapagtibay ang ugnayan ng Pilipinas at Thailand sa cyber defense sa pamamagitan ng pagpapalitan ng ideya, karanasan, at kakayahan.
Inaasahan ng dalawang hukbo na magpapatuloy ang ganitong pagsasanay upang maging handa sa umuusbong na banta sa cybersecurity.