dzme1530.ph

Cybersecurity, digital economy, at reskilling at upskilling ng mga manggagawa, isusulong ng Pangulo sa ASEAN Summit Plenary Session

Isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang regional digital economy, cybersecurity, at reskilling and upskilling ng mga manggagawa sa 44th ASEAN Summit Plenary Session sa Lao People’s Democratic Republic.

Sa pagtitipon ng ASEAN Leaders sa National Convention Centre sa Vientiane, itataguyod ng Pangulo ang pag-suporta sa Micro, Small, and Medium Enterprises sa pamamagitan ng digitization at capacity-building, at pagtugon sa financing gaps.

Isusulong din ang adoption ng Sustainable Agricultural Practices at Sustainable Tourism.

Kasama ng Pangulo sa ASEAN Summit sina Lao Prime Minister at ASEAN 2024 Chairman Sonexay Siphandone, Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim, Singaporean Prime Minister Lawrence Wong, at iba pang ASEAN Heads of State.

Kabuuang 82 dokumento ang inaasahang ia-adopt sa 2024 ASEAN Summit. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author