dzme1530.ph

Cyberscurity ng bansa, dapat palakasin pa laban sa lumalalang hacking at online financial crimes

Loading

IPINAALALA ni Senador Sherwin Gatchalian ang matinding banta na dulot ng pagtaas ng mga kaso ng hacking at online financial crimes sa bansa.

 

Sinabi ni Gatchalian na isa itong seryosong panganib sa pambansang seguridad at katatagan ng ekonomiya.

 

Ayon kay Gatchalian, ang mga ganitong uri ng cybercrime ay nagpapahina sa tiwala ng publiko at nagpapakita ng kahinaan ng digital infrastructure ng bansa.

 

Tungkulin anya ng pamahalaan na tiyaking ligtas at protektado ang digital space upang ang mamamayan ay makapagtrabaho, makapag-aral, at makapagsagawa ng mga transaksyon nang walang pangamba.

 

Handa naman ang senador na magsulong ng mga panukala na magpapalakas sa cybersecurity ng bansa upang mapigilan ang mga financial crimes na nagbabanta hindi lamang sa seguridad ng mga Pilipino, kundi pati na rin sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan.

About The Author