dzme1530.ph

Cybercrime division ng DICT at iba pang law enforcement agencies, dapat palakasin!

Pabor si Senador JV Ejercito na buhusan ng dagdag na budget ang kampanya ng gobyerno laban sa cybercrime at scams partikular ang pagbibigay ng confidential fund sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa gitna ito ng patuloy na pamamayagpag ng mga cybercriminals at scammers na patuloy na nambibiktima ng vulnerable individuals sa kabila ng ipinatutupad na sim registration law.

Katunayan, maging ang anak ni Ejercito ay hindi nakalusot sa mga cybercriminals at nabiktima ang kanyang savings account na nalimas ng scammer makaraang magpanggap na empleyado ng bangko at gamit ang kanyang personal details ay nakumbinsi itong ibigay ang kanyang One Time Pin (OTP).

Naniniwala si Ejercito na inside job ang pangyayari dahil alam ang scammers ang buong detalye ng kanyang anak na si Emilio III.

Dahil dito, suportado ng senador ang pagkakaloob ng dagdag na budget pa sa anti-cybercrime divisions ng law enforcement agencies upang mai-upgrade din ang mga equipment at makapag-hire ng magagaling na IT experts na maipantatapat sa mga cybercriminals. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author