Siniseryoso ngayon ng National Security Council (NSC) na pag-ibayuhin ang cyber security ng bansa.
Ayon kay Asst. Director General Jonathan Malaya, pinag-uusapan na ng NSC na mas maging maingat ang mga empleyado ng gobyerno dahil posibleng mino-monitor ng kalabang bansa ang kanilang mga kominikasyon.
Kaugnay ito sa ginagawang batas ng China na tinawag nilang Inteligence Act kung saan inobliga ang mga Chinese Telecommunication Company na maki-cooperate sa kanilang gobyerno.
Isa sa mga security measure na ginagawa ng NSC ay ang hindi paggamit ng cellphone na gawang China dahil posibleng makompromiso ang kanilang komunikasyon.
Batid ni Malaya na bukod sa mga cellphone ay may mga telecommunication company na mula rin sa China.
Ito ang dahilan kung kaya maingat sila sa mga pananalita lalung lalo na kung ipadadaan sa mga digital platform dahil sa lawak ng teknolohiyang meron ang bansang China. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News