Daan-daang cellphone, sim cards, computers at iba pang mga devices na ginagamit sa pang iiscam ang nakumpiska ng mga operatiba ng NBI, DOJ, PAOCC at PNP matapos salakayin ang isang limang palapag na gusali sa Zamora St., Pasay City.
Bitbit ang search warrant, hinalughog ng mga operatiba ang bawat palapag ng gusali ng kumpanyang Rivendell Global Support Incorporated.
Kabilang sa mga ito ang love scam at cryptocurrency scam na modus ng mga nag-ooperate ng cyberscam hub.
Nasa 650 individuals naman ang bumulaga sa mga awtoridad na itinuturing na person of interest kung saan higit 400 na Filipino at higit 200 naman na Chinese at Indian National.
Nabatid na front lang umano ang POGO operator license para sa pang iiscam ng mga ito.
Depensa ng mga empliyado na hindi nila alam na illegal ang trabaho at sumusunod lamang sila sa instructions na kunin ang basic information tuwing may nakakausap sila sa dating app.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung paano sila nakapag-ooperate gayung tapos na ang sim card registration. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News