dzme1530.ph

CYBER DEFENSE, TUTUTUKAN SA BALIKATAN 202

Loading

Mas tututukan sa Balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at iba pang mga kaalyado ang cyber defense drills.

 

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ang modernong digmaan, gaya sa pagitan ng Russia at Ukraine, pati na rin sa pagitan ng US, Israel, at Iran, ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng cyber defense.

 

Aniya, ang US, bago magsagawa ng anumang military operation, ay kadalasang inaataque ang cyber networks ng mga pwersang kumalaban dito bilang bahagi ng kanilang hakbang na paralisahin at lituhin ang mga kalaban.

 

Binigyang-diin ni Brawner na mahalagang ma-develop ng Pilipinas ang kapabilidad na ito para maipagtanggol ang ating resources at networks.

 

Inaasahang magbubukas ang Balikatan 2026 sa April 20 at tatagal ito hanggang sa huling bahagi ng Mayo.

About The Author