dzme1530.ph

Cyber command at missile regiment, palalakihin ng AFP para sa pagdipensa sa teritoryo ng bansa

Kinumpirma ni AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr. na target nilang palakihin ang missile regiment at cyber command upang mapalakas ang proteksyon sa teritoryo ng bansa.

Sa kanyang pagharap sa Commission on Appointments, sinabi ni Brawner na sa patuloy na pagbabago ng panahon, kailangan din i-adjust ang doctrines at porma ng organisasyon.

Idinagdag ni Brawner na sa pagdipensa ng teritoryo kailangang bumuo ng missile regiment para may mangasiwa sa missile system.

Kailangan din anyang tutukan ang cyber warfare dahil sa ngayon ang kinakaharap na kalaban ay hindi lamang nasa land, water o air kundi maging sa cyber domain.

Upang makapantay sa kilos ng ibang bansa, target ng AFP na palakihin nag cyber command at bumuo ng cyber groups.

Sa kanyang opening speech, sinabi ni Brawner na sa kanyang pamumuno sa AFP hanggang 2026 ay iikot ang kanyang mga programa sa acronym na UNITY o ang Unification, Normalization, Internal Security Operations, Territorial Defense at Youth.

Kasamang ni Brawner na sumasalang sa Commission on Appointments ang 29 na iba pang miyembro ng AFP para sa promosyon sa susunod na ranggo. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author