![]()
Ibinasura ng Department of Justice ang cyber libel complaints ni Senador Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio at iba pang vloggers.
Sa resolution ng DOJ, inihayag ng panel of government prosecutors na walang prima facie evidence upang iakyat sa korte ang reklamo.
Bukod kay Topacio, inireklamo rin ni Hontiveros ang mga vloggers na sina Byron ‘Banat By’ Cristonal, Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Krizette ‘Kiffy’ Chu, Jay Sonza at Alex ‘Tio Moreno’ Destor.
Nag-ugat ang reklamo ng Senadora sa video na ipinost sa social media ng isang testigo laban kay Kingdom of Jesus Christ Leader Apollo Quiboloy na binayaran siya ni Hontiveros kapalit ng kanyang testimonya.
Binigyang-diin ng prosecutors na ang mga deklarasyon ng mga respondent laban kay hontiveros ay batay lamang sa video ng testigo.
Binanggit din sa resolution ang mga unang pahayag ng korte suprema na walang puwang sa public service ang pagiging sensitive.
Hindi rin anila napatunayan na may actual malice sa panig ng mga respondents.
