dzme1530.ph

CSFI, MVP Group, pinuri ni HS Romualdez sa pagbibigay ng medikal na suporta sa mga sundalo

Pinuri at pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI) at MVP Group of Companies sa pagbibigay ng medical support sa mga sundalo.

Si Romualdez ay guest of honor sa “Signing of the Manifesto of Partnership” sa pagitan ng CSFI at MVP Group.

Sa talumpati sinabi nito, “Sa ngalan ng Armed Forces of the Philippines at mamamayang Pilipino, nagpasalamat ito sa CSFI at MVP Group sa generosity at unity sa pagsusulong ng noble cause.”

Kabilang sa partnership ang pagtatayo ng specialized facilities gaya ng ‘Bagong Bayaning Mandirigma Casualty and Cancer Care Center o BBM-CCCC sa AFP Medical Center.

Ayon kay Romualdez, ang mabigyan ng maayos na medical care ang mga sundalo ay pag-kilala sa kanilang kabayanihan na pangalagaan at ipagtanggol ang soberanya ng bansa.

Bukod sa Speaker, lumagda rin sa manifesto si Tycoon Manuel V. Pangilinan, Chairman ng MVP Group, CSFI Chairperson, Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez, CSFI President Rosemarie “Baby” Arenas, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. at Dr. Victor Gisbert, President, Makati Medical Center Foundation na strategic partner ng AFPMC. —sa panulat ni Ed Sarto

 

 

About The Author