dzme1530.ph

CSC chair, nilinaw na hindi nagbitiw sa puwesto at hindi sakop ng courtesy resignation na iniutos ng Pangulo

Loading

Binigyan linaw ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Atty. Marilyn Yap, na hindi applicable sa kanya ang kautusan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cabinet secretaries na magsumite ng courtesy resignation.

Sa isang public statement sinabi ni Yap na ang CSC ay independent constitutional body, kaya hindi siya bahagi ng gabinete o nasa ilalim o kontrol ng Executive branch.

Bilang independent constitutional body, tiniyak ni Yap ang patuloy na pagtupad sa kanyang constitutional duty na pagsilbihan ang sambayanang Pilipino ng may integridad at walang kinikilingan.

Umapela rin ito sa ilang media personalities o media groups na makipag-ugnayan muna sa kanya ng direkta para linawin ang mga iniuulat ukol sa kanya at sa komisyon.

About The Author