Ibinunyag ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t na ginagamit na rin ang cryptocurrency sa kalakalan ng iligal na droga.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na mas sopistikado na ngayon ang drug trade sa bansa.
Ginagamit umano ang cryptocurrency upang maitago ang proceeds o mga kinita sa droga.
Kaugnay dito, mula sa consumption side o street level ay tututukan na ngayon ng gobyerno ang supply side o mga supplier at pinagmumulan ng illegal drugs, kabilang na ang drug personalities at mga nag-aangkat ng droga.
Ang crytocurrency ay ang digital currency na hindi kontrolado ng anumang gobyerno at pinatatakbo sa pamamagitan ng computer network. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News