dzme1530.ph

“Cryptic” post ni VP Sara, bumuo ng maraming espekulasyon

Usap-usapan ngayon ang ‘cryptic post’ ni Vice President Sara Duterte sa kanyang social media account, matapos ang pagbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Cuslim Democrats (Lakas-CMD). 

Sa caption ng kanyang self-portrait, tila nagpahayag ng mensahe si VP Sara para sa isang tao kung saan pinayuhan niya itong itigil ang pagiging ‘tambaloslos’ o ‘isang tao na puro daldal lamang, walang kakayahan at kadalasang ginagamit bilang isang insulto sa lalaki.’

Bagaman hindi pa malinaw kung ano o para kanino ang naturang post ng bise presidente, ay bumuo ito ng maraming espekulasyon dahil inilabas niya ito sa gitna nang kaguluhang nagaganap sa House of Representatives.

Matatandaang nagbitiw si Duterte sa partido matapos ma-demote si Pampanga 2nd District Rep. at Lakas-CMD Chairperson Emeritus Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author