dzme1530.ph

Cristine Reyes, nais manatiling ‘lowkey’ ang relasyon nila ni Marco Gumabao

Matipid ang sagot ng aktres na si Cristine Reyes nang tanungin tungkol sa kanilang relasyon ni Marco Gumabao.

Sinabi ni Cristine na nais nila ni Marco na panatilihing “lowkey” ang kanilang relasyon, ayaw din niya na masyadong pinag-uusapan.

Una nang inihayag ng aktor na ini-enjoy nila ni Cristine ang company ng isa’t isa, at kung anuman ang meron sa kanila ngayon ay something special.

Inihayag din ni Marco na ayaw muna niya na magsabi ng label, dahil magdaragdag lang aniya ito ng pressure sa relasyon, at ang importante ay happy silang dalawa. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author