Binuksan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Criminal Investigation Course (CIC) na may layong makapagbigay sa mga field investigator ng kinakailangang kaalaman at kasanayan para sa wasto at patas na imbestigasyon.
Pinangunahan ni NCRPO Chief Director PBGen Jose Melencio Nartatez, Jr. ang opening ceremony sa nasabing course na ginanap sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Ayon kay Deputy Regional Director for Operations, PBGen Lex Ephraim Gurat, ang pagsasanay ay naglalayong paramihin ang bilang ng mga kwalipikadong imbestigador sa NCR na humahawak ng iba’t ibang kaso sa pamamagitan ng paglinang ng analytical, investigative skills ng mga pulis.
Binigyang-diin nito na ang wasto, tumpak, at patas na imbestigasyon ng pulisya ay mag reresulta ito hindi lamang sa agarang pagresolba ng mga kaso kundi pagtitibayin din nito ang tiwala ng publiko sa puwersa ng pulisya. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News