dzme1530.ph

CREX, isinagawa ng MIAA sa General Aviation area ng NAIA

Isinagawa ang Crash Rescue Exercise (CREX), na pinangunahan ng Manila international Airport Authority (MIAA) katuwang ang Airport Emergency Response Organization (AERO).

Kasama sa mga lumahok ng exercise ang iba’t ibang airlines gayun din ang CAAP, CAB, DOTr.

Kasama din sa exercise ang PGH, Red Cross, PCG at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang masubukan ang kanilang kahandaan at kakayahan sa pagtugon pagdating sa ganitong aircraft accident situation.

Isang senaryo ng pagsabog ng eroplano ang magaganap sa gagawing exercise kung saan ipapakita ang pagresponde ng mga rescue team upang iligtas ang mga pasaherong sakay ng sumabog na eroplano.

Nakahanda na rin ang mga fire truck gayundin ang medical team para magbigay ng agarang medical assistance sa mga pasaherong biktima ng pagsabog.

Tiniyak naman ni MIAA OIC Brian Co na hindi makakaapekto sa flight operation ng NAIA ang nasabing aktibidad. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author